Featured Story: Mr. Jimenez’s Timeless Dream
Mr. Daniel Jimenez had a timeless dream of reaching his goals through education and to earn more for his family and for himself. Before discovering Don Bosco, he worked as a delivery rider and a store vendor. Don Bosco motivated him to realize his dreams and reach his full potential. Mr. Jimenez is now a proud Salesian Educator and is also an inspiration to his many students. Read his full story here:
“Bago ako nag enroll sa don bosco ay kasalukuyan akong service crew sa isang restaurant at lumipat sa pagiging lalamove delivery driver sa kadahilanan na kasagsagan pa ito ng pandemya at ito lang ang pwedeng pagkakitaan.
Nang ako ay mag aral na sa don bosco lumipat nag part time naman ako sa tito ko bilang isang tindero sa poultry shop. Pag uwi ko galing don bosco ay pupunta ako sa tindahan para mag banyau at kumita ng pang baon sa araw araw. Napakasaya ng pag aaral ko sa don bosco dahil napakaraming activity pero sabi nila limitado paraw yon dahil pandemic.
Napaka babait ng mga tao sa don bosco lalo na ang mga guro at pari na aking nakasalamuha. Lahat sila ay handang tumulong sa abot ng kanilang makakaya. Kaya naman marami sa kanila ang naging inspirasyon ko para tapusin ang aking pag aaral.
Pag tapos ko mag aral sa don bosco, sinubukan ko mag apply bilang isang trainer doon din sa don bosco dahil gusto kong balikan ang mga naranasan ko doon at sa kadahilanang pag don ako nag trabaho ay mas marami ang opportunity na mag grow pa ako hindi lang sa spiritual kundi pati sa karadagang kaalaman dahil maari pa ulit ako mag aral habang nag tatrabaho.
At mula noon nandito na ako sa don bosco nag tuturo,.unti unti ko na na aachieve ang mga plano ko lang noon at mag aaral pa ulit na isa sa pinaka hinihiling ko na matupad.”.