Feature Story: “How Don Bosco changed my life forever”
Ako po ay si Abel J. Foraliza. Nagmula sa isang payak na pamilya sa lungsod ng Pasay. Ang aking ama ay isang Taxi Driver at ang aking ina ay isang butihing may bahay.
Anim kaming magkakapatid at pangatlo ako sa amin. Lumaki sa isang environment na di kaaya-aya. Namulat sa isang magulong lugar at prone sa drugs.
Katulad ng kwento ng iba, ako ay napasama at napalapit sa barkada. Napabisyo at walang pangarap sa buhay. Madalas hindi ako umuuwi ng bahay dahil sa barkada. Ang aking mga magulang ay wala ring pakialam.hindi ko alam ang salitang “responsibility.”
Mabuti at ang aking mga nakakatandang kapatid na babae nakapagtrabaho sa isang fast food chain. Nakatulong siya sa aming pamilya ngunit maaga siyang nag asawa. Di nagtagal ang kapatid kong lalaki ay nag asawa rin at bumukod matapos matapos maka-graduate ng high school.
Ako ay nasa 4th year sa high school noon. At dahil sa pagiging pasaway ko, di ko man lang naiisip ang mga bagay na nawawala sa akin at ang mga consequences ng ginagawa ko. Dumating ang araw na kinailangang pumunta ng aking magulang sa aking paaralan para kausapin ang guidance officer at ibang kong mga guro. Habang kinakausap nila ako at ang aking magulang, nakita kong lumuha ang aking ina sa mga kasalanan ko at na-realize ang mga kapabayaang ginawa ko.
Year 2007, naka-graduate ako ng high school at nakapagtrabaho sa McDonalds bilang isang Service Crew. Sapat lang ang sahod para mapang-abot ang mga gastusin, makatulong sa magulang, sa bahay at sa mga nakababatang kapatid.
Year 2009, I tried my luck in Don Bosco Technical Institute – Makati (DBTI Makati). After ng grave yard shift ng 12:00 am to 6:00 am, pumapasok ako sa Don Bosco Makati to begin my new life.
Kumuha ako ng kursong Industrial Automation – Batch 75 (IA75). Whole day ang klase kaya kailangan kong i-balance ang lahat ng bagay. Since nagtatrabaho ako sa fast food, ang oras ko ay 6:00 PM to 12:00 AM. Simula McDonalds, kinakailangan kong mag lakad papunta sa aming bahay para makatipid at mapagkasya ang budget ko hanggang sa susunod na sahod. Kahit puyat at pagod, kinakailangan kong gumising ng maaga para mag asikaso ng sarili at pumasok sa Don Bosco TVET Center.
Dumating din sa panahon, naranasan kong kapusin ng budget. Naranasan kong makikain ng pagkain ng aking kapwa Bosconian bilang ampon.
Ang aking girlfriend ang tumulong at nagbigay suporta sa aking pangarap. Kalaunan sya din ang aking naging mabuting asawa – si Mrs. Regine A. Fornaliza.
Habang ako’y nag-aaral, ang aking ama ay na mild stroke. Dahil sa kapos ang kinikita at nagging bed ridden ang aking ama, napilitan ang aking ina na namasukan bilang isang labandera. Noong mga panahong iyon, wala akong ibang makapitan kundi ang panalangin na sana’y matapos ang problema ng aking pamilya.
Ang Don Bosco ang nagbibigay ng lakas sa akin sa mga oras na iyon. And Don Bosco ang nagbigay ng pag-asa sa akin at nagsabi na lahat ng pag subok sa buhay ay may katapusan. Tinuruan nila ko kung paano maging matatag at maging mabuting tao. Inilapit nila ako sa mabuting turo ng Panginoon at higit sa lahat, tinuruan nila ako kung paano maging isang mabuting tao.
At dumating ang araw ng pagtatapos ko sa Don Bosco TVET Center. I graduated with “PERFECT ATTENDANCE AWARD.” I was never absent or late in school and in my On-the-Job Training. Don Bosco taught me how to be responsible person.
Makalipas ang mga taon, I got an opportunity to become a seafarer. Noong 2015, nag-apply ako bilang marino sa isang Manning Agency. At that time, I’m so happy and blessed. Nagsimula ako bilang isang Electrician Cadet/Engine Trainee. Sobrang hirap ang buhay sa barko, ngunit ginamit ko lahat ng lesson na natutunan ko noon sa Don Bosco – to take all the challenges and face it with a smile knowing that God is with me.
Ang Don Bosco TVET Center ang naging tulay sa aking personal, mental and spiritually growth. Ang Don Bosco ang naturo sa akin how to handle difficult situations and how to make the right decision and becoming a good leader.
Ang maipapayo ko sa aking kapwa Bosconians, “Never lose faith dream big and never get tired to reach your dream.” Ang tunay na batayan ng pagging success sa buhay ay hindi sa dami ng pera o magarang kotse at malaking bahay. Life is all about kung paano i-handle ang mga difficulties and failures in life. Never give up. Keep moving forward.